𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡𝗦

Dinadaing ngayon ng ilang mga mag-aaral sa lalawigan ng Pangasinan ang patuloy na pagtambak sa kanila diumano ng mga school activities sa kabila ng face-to-face class suspensions.

Diumano, halos doble ang pinapagawa sa kanila ngayon dahil baka raw ito ang pamamaraan upang mapunan ang mga pagkakataon na sila ay magklase ng face-to-face.

Dagdag pa nila na kahit mainit ang panahon kaya’t sinususpinde ang klase ay mainit din sa kanilang mga bahay kaya naman hindi rin sila makapagfocus.

Samantala, matatandaan na inanunsyo kamakailan ng kagawaran ng edukasyon ang maagang pagtatapos ng klase ngayong school year, sa huling araw ng mayo.

Sa ibang usapin, patuloy ang pagsuspinde ng face-to-face classes sa iba’t ibang bayan at siyudad sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments