𝗨𝗡𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗨𝗩𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗩 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗥𝗦𝗜𝗬𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚

Nasa isang porsyento na lamang ng mga Public Utility Vehicles o PUV ang hindi kasama sa PUV Consolidation kasabay ng pagtatapos ng PUV Consolidation.

Ito ang kinumpirma ni Autopro One Pangasinan Federation President Bernard Tuliao sa naging panayam ng iFM Dagupan.

Ayon kay Tuliao, ang nasabing porsiyento ay katumbas ng nasa tatlumpu’t pitong units mula sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan.

Sa ngayon ay hinihintay pa nila kung may mga hahabol pa ba mga ito at kung ano ang magiging desisyon ng LTFRB kaugnay rito.

Malaking bagay, aniya, ang naing program ng LTFRB para sa mga PUV operators at drivers upang mababa ang bilang mga mga hindi nakasama sa PUV Consolidation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments