𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Ikinapanatag sa ngayon ng ilang mamimili ang pagbaba ng presyo ng produktong itlog sa lalawigan ngunit hindi pa rin daw ito ang inaasahang baba ng presyo ng kanilang gustong makita.
Sa ilang linggong pagtaas ng presyo ng itlog sa mga pamilihan gaya sa palengke sa Dagupan city ay ngayong linggo nakitaan ng bahagyang pagbaba sa presyo nito ngunit ayon sa ilang mamimili, parang di rin naman umano nila ramdam ang pagbaba nito lalo kung bulto ang kanilang pagbili.
Ayon kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, kung ikukumpara naman daw ang presyuhan ng produktong itlog noong nakaraang taon ay halos parehas pa rin naman umano ang presyo ng mga ito depende sa klase.

Isa sa dahilan rin daw kung bakit nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng itlog ay dahil sa nitong mga nakaraang buwan ay may mga nag-withdraw na mag-alaga ng itlog para makapag suplay ng sapat ngunit ngayon ay bumabalik naman na sa normal at maayos pa naman ang suplay ng naturang produkto.
Samantala, ayon sa ilang mga tindera ng itlog, malakas pa rin naman ang bentahan sa naturang produkto lalo ngayong holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments