Wednesday, August 12, 2026

𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š π—œπ—§π—Ÿπ—’π—š 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—•π—”π—›π—”π—šπ—¬π—”π—‘π—š 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π—¦π—œπ—‘π—”π—š

Bahagyang bumaba ang presyo ng itlog sa merkado dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, kumpara nitong nakalipas na mga linggo ay bumaba na ang presyo ng itlog sa merkado ngayon bagamat naglalaro ito sa walong piso hanggang siyam na piso kada kilo nito sa ngayon.
Sapat naman aniya ang suplay ng itlog ngayon hanggang sa matapos ang taon at inaasahan din aniya na ito na ang posibleng maging presyuhan hanggang sa matapos ang taon.
Inaasahan naman na tataas pa ang demand ng itlog Habang papalapit ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments