Nagpa-fulltank at magpapafull tank pagkatapos pumasada ngayong araw ang mga PUV drivers sa Pangasinan bago pa tuluyang maging epektibo ang nakaambang muling taas presyo sa krudo bukas.
Inaasahan na maiimplementa ang malakihang taas presyo ng mga oil companies bukas, February 06, 2024 ng hatinggabi o alas sais ng madaling araw.
Ayon sa mga tsuper, makailang linggo na muli ang nararanasang pagliit ng kanilang arawang kita sa pamamasada dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng ginagamit ng pang krudo.
Pasanin din daw ng mga ito ang sumasabay pang pagsirit sa presyo ng ilang mga pangunahing bilihin lalo na halos lahat sa kanila ay binubuhay ng pamilya.
Dagdag pa ng mga ito kahit sentimo lamang ang itinataas lingguhan ay naiipon ito at nagiging malaking kabawasan sa kanilang kita.
Samantala, nasa P1.50 ang dagdag sa Diesel, 75 sentimos sa Gasoline habang 80 sentimos naman sa Kerosene, umento sa kada litro ng mga nasabing produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨