Iniinda ng ilang mga negosyante ng gulay sa lalawigan ng Pangasinan ang mabilis na pagkasira ng kanilang mga panindang gulay.
Ayon sa mga tindera, dulot ito ng nararanasang mainit na panahon, kung saan naapektuhan na ang kanilang negosyo. Sa ngayon, matumal diumano ang bentahan nito sa merkado.
Aksyon nila, ang pagtatago na lang agad nito pagsapit ng hapon, o kaya namaβy ipamigay na lang ito sakaling hind maubos. Ang iba naman ay winiwisikan ito ng tubig upang hindi agad malanta, samantalang hinahati naman na ng iba ito para sa ilulutong pakbet.
Samantala, nakitaan naman ng pagtaas ang presyuhan ng mga highland vegetables dahil sa kakulangan ng suplay nito sa mga pamilihan sa lalawigan dulot pa rin ng nararanasang tag-init. Asahan naman ang pagsipa ng presyo ng gulay sa mga susunod na linggo bago sumapit ang semana santa. |πππ’π£ππ¬π¨