Ikinatuwa ng ilang Overseas Filipino Work sa Qatar ang ang naging pahayag ni PBBM sa kaniyang SONA na sisiguraduhin nito ang kanilang kapakanan habang nasa ibayong dagat.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Mary Aguilar, OFW sa Qatar, masaya ito na napabilang ang mga OFWs sa pagtalakay ng kanilang proteksyon sa ibang bansa.
Aniya, ilan kasi sa mga agency ng mga ito ay napabayaan na sila pagkatapos na ipadala sa pagtatrabahuang bansa.
Sa SONA sinabi ni PBBM, patuloy ang pakikipag ugnayan ng pamahalaan sa mga host country bilang pagsisiguro sa kapakanan ng mga OFWs.
Samantala, umaasa si Aguilar na bagamat hindi natalakay ay matugunan din ang pagkapantay pantay sa benepisyo ng mga OFWs kahit pa hindi sila kabilang sa skilled workers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments