π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗣𝗨π—ͺπ—˜π—¦π—§π—’ 𝗦𝗔 𝗛𝗔π—₯𝗔𝗣 π—‘π—š π—¦π—œπ— π—•π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π— π—”π—‘π—”π—’π—”π—š, π—‘π—”π—¦π—¨π—‘π—’π—š

Nasunog ang nasa walong stalls ng mga religious articles sa may bahagi ng ikalawang gate ng Minor Basilica of the Our Lady of Manaoag, kagabi.

Maga-alas onse ng sumiklab ang naturang sunog na agad naman nirespondehan ng mga bumbero ng bayan at kalapit bayan nitong San Jacinto, Laoac, at Mapandan, katuwang na rin ang hanay ng kapuliisan at mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).

Naging mabilis, diumano ang pagkalat ng apoy sa mga stalls dahil gawa lamang ang mga ito sa light materials.

Idineklara namang fire out ang nangyari dakong 11:45 PM. Ayon sa imbestigasyon, wala namang naitalang nasaktan sa naturang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog at ang kabuuang danyos nito.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy β€˜Doc Ming’ Rosario, nakatakdang ipatawag ang mga apektadong vendors upang malaman kung ano ang puwedeng itulong ng lokal na pamahalaan sa kanila. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments