𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟭𝟬 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog sa buy bust operation ang isang dise syete anyos na Grade 10 student sa bayan ng Rosales.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas sais ng gabi sa Barangay Tomana West sa nasabing bayan.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska sa suspek ng isang transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops.

Dinala na sa himpilan ng PNP ang suspek para sa disposisyon dito at kaukulang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments