𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡

Unti-unti nang inihahanda ng mga residente sa Dagupan City ang kanilang mga kabahayan para sa paparating na tag-ulan lalo na ang mga residente malapit sa tabing-ilog o sa mga barangay island.

Ngayong nakararanas na ang ilang bahagi sa lalawigan ng panaka-nakang pag-ulan, sinisiguro na umano ng ilan ang kanilang mga kabahayan sa mga maaaring maidulot na epekto ng pag-uulan sa mga susunod na buwan.

Nagbigay na rin ng paalala ang Pangasinan PDRRMO ukol sa mga dapat na i-check sa bahay ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-ulan.

Mainam umano na siguraduhin na walang sira o butas ang mga bubong ng bahay at may maayos na drainage system para maiwasan ang pagbaha.

Tignan rin ng mabuti kung nasa tama pang kondisyon at gamit ang punto at bintana ng bahay at kung sakali ma na may bahagi sa bahay na may sira ay agad itong ayusin habang hindi pa kasagsagan ng tag-ulan.

Asahan na mararanasan na ang mataas na tsansa ng maulan na panahon sa mga susunod na buwan ayon na rin sa tanggapan ng PAG ASA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments