𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗥𝗥𝗘𝗥𝗢-𝗣𝗘𝗥𝗘𝗭 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟

Nabigyan ng tulong pinansyal mula sa lokal na gobyerno ng Dagupan City ang mga biktima ng sunog sa bahagi ng Herrero-Perez noong April 22, 2024.

Tulong pinansyal at relief assistance ang natanggap ng anim na pamilyang nasunugan naturang barangay.

Bawat kabahayan na nasunugan ay nakatanggap ng sampung libong piso habang limang libong piso naman sa bawat pamilya, kasama na rin ang mga relief supplies mula naman sa Department of Social Welfare and Development.

Samantala, matatandaan na nasa anim na bahay ang nasunog sa barangay at tatlo sa mga ito ang lubhang napinsala ng naturang sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments