Pahirapan sa ngayon ang ilang street food vendors sa bahagi ng Arellano St. sa Dagupan City dahil sa kasalukuyang isinasagawang road at drainage elevation.
Ang mga pwesto kasi ng mga ito, naharangan muna ng mga lupa at sementong ginagamit sa konstruksyon habang hirap din sila agad na mapuntahan ng kanilang mga kostumer na karamihan pa ay mga estudyante.
Nababahala rin ang ilang street food vendors sa buhangin na pinantatapal sa kakalsadahan dahil maaari pang malagay ang alikabok nito sa mga itinitinda nilang pagkain lalo at mismong sa kalsada sila nakapwesto.
Aminado naman ang ilang estudyante na hindi na muna napapabili ang ilan sa kanila sa mga pwesto ng mga street food vendors dahil sa kasalukuyang road at drainage elevation sa kadahilanang ayaw na rin nilang makasagabal pa sa mga trabahanteng nagtatrabaho sa konstruksyon.
Sa ngayon, hirap muna rin ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Arellano St. kung saan one way traffic scheme ang ipinatutupad na paraan ng byahe at limitado ang kalsadang madadaanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments