Iniinda ng ilang mga traffic enforcers sa lalawigan ang tindi ng init ng panahon.
Ayon sa mga traffic enforcers, masakit sa balat at nakakahilo ang tama ng araw na nagpapahirap sa kanila, lalo naβt sila ay laman ng lansangan na gumagabay sa mga biyahero at mga tumatawid.
Samantala, sila ay sumisilong na lang sa tuwing tirik na ang araw upang maibsan kahit papaano ang init na kanilang nararamdaman.
Ayon naman sa Public Order and Safety Office (POSO), sila ay nagpapatupad ng heat stroke break, kung kailan pwedeng sumilong ang mga enforcers mula alas dos hanggang 3:30 ng hapon.
Gayunpaman, inaasahan ng kagawaran ng kalusugan ang mga maitatalang kaso ng heat exhaustion o heat stroke, kaya naman ay nagbukas na sila ng fast lane sa ilang mga ospital upang matugunan ang mga ito.
Matatandaan na wala pang opisyal na deklarasyon ang PAG ASA ukol sa kung kailan opisyal na sasapit ang summer season. |πππ’π£ππ¬π¨