𝗞𝗕𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟭𝗦𝗧 𝗥𝗨𝗡𝗡𝗘𝗥-𝗨𝗣

Kinilala ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas ang mga natatanging KBP Local Chapters sa buong bansa para sa taong 2022 kahapon sa ginanap na nationwide online conference ngayong taon.

Mula sa mga miyembro ng KBP sa Luzon, Visayas, at Mindanao naging nominado ang nasa anim na local chapters nito na kinabibilangan ng Calabarzon, Pampanga, Pangasinan, Pagadian, Bukidnon, at Nueva Ecija.

Kinilala bilang best local chapter ang KBP Pagadian samantalang tinanghal naman na first runner up ang KBP Pangasinan Chapter at 2nd runner up ang KBP Bukidnon. Mag-uuwi ng plake at cash prize ang mga best chapters na maaari nilang gamitin sa kanilang mga proyekto.

Ang incentive programme ng KBP ay taunang isinasagawa upang kilalanin ang mga aktibong local chapters sa buong bansa sa pagpapalaganap hindi lamang ng mga balita at impormasyon, gayundin ang mga natatanging proyekto para sa industriya ng pamamahayag at sa komunidad na kinabibilangan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments