𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗜𝗖𝗦

Patuloy pa rin na nakatatanggap ng tulong at assistance mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation ang mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa lungsod ng Dagupan.

Nito lamang, nasa higit isang daan o 120 na Dagupeños ang nakatanggap ng iba’t ibang assistance mula sa AICS at ng lokal na gobyerno.

Ilan sa mga ssistance na natanggap ng mga benepisyaryo ay medical, livelihood, food, at burial assistance.

Ito pa rin ay bilang patuloy na pagbibigay ng tulong lalo lalo sa mga Dagupenos na lubos na nangangailangan.

Sa kabilang banda, isasabay na rin dito ang pagpapaalam ukol sa mga nakalinyang programa ng lokal na pamahalaan tulad ng Mother & Child Hospital na siyang malaki ang maitutulong sa mahihirap.

Patuloy din ang panghihikayat sa mga ito na makipagkaisa sa proper waste management program na isinusulong ngayon sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments