Patuloy ang isinasagawang entrapment operation sa pagbebenta ng pekeng pataba o fertilizer sa Pangasinan matapos makahuli ng ilang nagbebenta nito sa may bayan ng Binalonan, Villasis, at Rosales.
Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, kadalasan ay sa Tarlac at Nueva Ecija ang gumagawa ng fake fertilizer. Maliban sa ilang bayan sa Pangasinan, may nahuli na rin sa parehong insidente sa Ilocos Sur at La Union.
Pinag-iingat ang mga magsasakang Pangasinense sa mga lumilibot sa barangay na nagbebenta ng halos kalahati sa orihinal na presyo ng pataba lalo’t ilan na sa mga ito ang nabiktima ng pekeng pataba. Paalala ng awtoridad, bumili lamang sa mga accredited fertilizer stalls. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments