𝗜𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟, 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗥𝗔𝗗𝗢𝗥

Kritikal ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan pa sa pagamutan ang apat na iba pa sa maging banggaan ng dalawang motor sa bayan ng Labrador.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Luis Ocampo at angkas nitong si Monchit Ocampo habang angkas naman sa kabilang motor sina Jayvee Tanguilig at angkas nitong si Princess Abellanosa at isang taong gulang na bata.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang aksidente pasado alas kwatro ng hapon sa Barangay Laois sa nasabing bayan nang huminto at liliko na sana ang motor nina Ocampo nang mahagip ito ng motor ni Tanguilig matapos mag-overtake sa mula sa kabilang linya.

Dahil dito ay tumilapon ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ding malay si Abellanosa habang patuloy pa din inoobserbahan ang iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments