Matagumpay na isinagawa ang site inspection at validation sa planta ng Mindoro Grid Corporation (MGC) at San Roque Dam na matatagpuan sa bayan ng San Manuel.
Pinangunahan ito nina NIA Administrator Engr. Eddie Guillen kasama si PIMO Acting Division Manager Engr. John N. Molano kung saan masusing tinignan ang lugar para sa posibleng mga proyektong idadagdag upang mas makatutulong sa mga magsasaka.
Ilan lamang sa mga nakitang posibleng mailagay dito ay karagdagang solar water pumps at kung maaaring malinang ang paligid sa San Roque Dam bilang isang atraksyon.
Kaugnay pa nito, naniniwala si Administrator Guillen sa posibilidad na mas mapalawak pa ang ugnayan ng MGC at NIA sapagkat nakita nito na malaki ang pwedeng maitulong ng korporasyon sa ahensiya ukol sa pagbibigay ng patubig para sa mga magsasaka.
İsa sa layunin ng idadagdag na proyektong ito ay upang malabanan ang pinangangambahang epekto ng El Niño sa buong bansa.
Samantala, maaaring pagtayuan ng solar dams ang San Roque Dam at maging isa sa pangunahing pagkukunan ng patubig ng bayan at karatig nito.
Maaari maging Agri-Tourism ang lugar matapos makita na maaaring makapaglagay ng mga hatchery ng isda rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨