𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗔 𝗘𝗫-𝗖𝗢𝗡𝗩𝗜𝗖𝗧 𝗔𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥 𝗗𝗘 𝗘𝗗𝗔𝗗 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗘𝗖𝗜𝗝𝗔, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝟮𝟱 𝗚𝗥𝗔𝗠𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Umaabot sa 25 grams ng shabu ang nakumpiska sa dalawang magkapatid na ex-convict at kasama nilang Menor de edad na Lalaki sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Umingan.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Jay at Dave Sagiri mga residente ng Quezon lalawigan ng Nueva Ecija kasama ang Isang Menor de edad na Lalaki.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa magkapatid sa brgy Diaz sa nasabing bayan pasado alas Siyete ng Gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga ito ng shabu na tumitimbang ng 25 grams at nagkakahalaga ng ₱170k.

Ayon sa impormasyon, pareho ng nahuli sa usapin ng illegal drugs ang Dalawa kung saan ay nasahuli Si Jay Sagiri noong 2018 at napalaya noong 2021 Habang si Dave namn ay nahuli noong 2014 at napalaya noong 2017.

Muling nahaharap sa kaukulang kaso ang magkapatid Habang ipinasakamay sa Women’s and Children’s Protection Desk ang bata na kasama nila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments