Isinagawa ang ininspeksyon o ocular visit sa posibleng lugar na pagtatayuan ng Nuclear Power Plant sa bayan ng Labrador, Pangasinan.
Pinangunahan ang naturang pagbisita sa lugar nina Pangasinan 2nd District Congressman Mark Cojuangco, Philippine Nuclear Research Institute Director Dr. Carlo Aracilla, Barakah Nuclear Power Plant Engineer Consultant Engr. Joseph Somsel at Ms. Candy Juego, isang Geologist mula sa Nuclear Materials Research Section kasama ang alkalde ng bayan na si Mayor Ernesto Acain at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan maging ng Brgy. Laois Punong Barangay Valentino Arenas.
Matatandaan noong nakaraang taon SA huling linggo ng Enero, nagkaroon ng konsultasyon sa publiko kung saan ipinaliwanag ng mga matataas na kawani ng LGU ang teknikal na aspeto ng iba’t-ibang klase ng power generating plants kabilang dito ang Nuclear Power Plant.
Ibinahagi din ng alkalde ang kahalagahan, magaganda at mabubuting maidudulot nito sa lugar gaya na lamang ng pag-iwas sa polusyon, pagkakaroon ng mura o kaya libreng kuryente at lalong-lalo na umano sa paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng Labrador, makakapagbigay ng benepisyo at trabaho sa mga residente.
Matatandaan ding may ipinalibot ang LGU na sulat ukol sa planong pagpapatayo ng nuclear power plant sa bayan kung pabor ang mga residente rito.
Samantala, inibahagi din ni Cong. Cojuangco na ang proyektong ito umano ay ligtas, mura, malinis, at reliable. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨