π—₯π—˜π—‘π—˜π—ͺπ—”π—Ÿ π—‘π—š π—•π—¨π—¦π—œπ—‘π—˜π—¦π—¦ π—£π—˜π—₯π— π—œπ—§ 𝗦𝗔 π—”π—Ÿπ—”π— π—œπ—‘π—’π—¦ π—–π—œπ—§π—¬, π—œπ—‘π—˜π—«π—§π—˜π—‘π—— π—›π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—‘π—š π—™π—˜π—•π—₯𝗨𝗔π—₯𝗬 𝟭𝟱

Extended hanggang February 15, 2024 ang pagrenew ng mga negosyante sa lungsod ng Alaminos sa kanilang mga business permits.

Ito’y matapos na maaprubahan sa sangguniang panlungsod ang Resolution No. 2024-09 kung saan nakasaad ang pagbibigay pa ng extension mula sa original nitong deadline na dapat sana ay nitong January 23, 2024.

Ayon kay City BPLO Chief Bernald Capitle, napagdesisyunan umano ng alkalde an i-extend ang naturang renewal para makapaglaan ng sapat na oras ang mga negosyante na i-settle ang kanilang mga obligasyon na walang penalties, surcharges o interest man.

Binigyang din ng paalala ang mga negosyanteng magpupunta sa Business One Stop Shop ng lungsod na kung maaari ay maging maaga para sa madaliang transakyon.

Samanatala, bukas ang Business One Stop Shop ng lungsod tuwing weekdays mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments