
Cauayan City – Patuloy ang pagpapaalala ng Isabela Police Provincial Office sa mga motorista kaugnay sa ligtas na pagmamaneho sa kalsada.
Upang makaiwas sa aksidente, pinapayuhan ng kapulisan ang mga nagmamaneho na ugaliing suriin ang kondisyon ng sasakyan bago bumiyahe, laging magsuot ng seat belt at helmet, panatilihin ang tamang distansya sa ibang sasakyang kasama sa kalsada, at iwasan ang mabilis na pagmamaneho.
Mariin ring ipinapaalala na huwag magmaneho kapag nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin, huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho, at sundin ang batas trapiko.
Upang mas mapalakas pa ang kanilang kampanya sa pag-iwas sa mga aksidente ng mga motorista, tuluy-tuloy rin ang pagsasagawa ng Oplan Tambuli ng iba’t-ibang unit ng PNP sa buong lalawigan kaugnay pa rin sa mga tips sa ligtas na pagmamaneho.
Hinihiling naman ng mga awtoridad sa lahat ng mga nagmamaneho ng mga sasakyan na sundin ang lahat ng kanilang mga paalala upang matiyak na ligtas na makakarating sa kanilang pupuntahan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









