Monday, October 26, 2026

PAGTALIMA SA 4-DAY COMPRESSED WORKWEEK, IPATUTUPAD SA URDANETA CITY

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 ng Office of the President, ipatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Urdaneta ang bagong iskedyul ng oras ng trabaho para sa mga tanggapan ng lungsod simula Marso 9, 2026.

Ang mga tanggapan ng lungsod ay bubuksan mula 7:00 AM hanggang 6:00 PM, Lunes hanggang Huwebes, at sarado tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo, maliban sa mga mahahalagang tanggapan tulad ng:

City Health Office (CHO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Public Order and Safety Office (POSO) – Security and Traffic Division, General Services Office (GSO), Market Division, City Abattoir, at lahat ng city government employees na nakatalaga sa mga pambansang tanggapan

Layunin ng bagong oras ng trabaho na mapabuti ang kahusayan ng operasyon ng pamahalaan habang tinitiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mga mahahalagang serbisyo sa publiko.

Inaanyayahan ang lahat na maging gabay ang anunsyong ito sa pag-transact sa mga tanggapan ng lungsod.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments