๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—ฃ๐—ข, ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—ฅ๐Ÿฌ๐Ÿฎ ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—˜๐—ฉ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š

CAUAYAN CITY – Namayagpag at itinanghal na back-to-back #1 sa Police Regional Office 02 Unit Performance Rating (UPER) ang Kapulisan ng Isabela para sa buwan ng Marso.

Ang UPER ay ang sistema ng PNP upang sukatin ang husay at epektibong serbisyo ng bawat PNP Units base sa Administrative at Operational accomplishments kung saan namayagpag ang Isabela PPO kumpara sa ibang Police Provincial Office ng buong Rehiyon 2 kagaya ng Cagayan, Quirino, Nueva Vizcaya, Santiago, at Batanes PPO.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni PCOL LEE ALLEN B BAUDING, Provincial Director ang lahat ng hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Isabela na hindi tumitigil sa pagbibigay ng angkop na serbisyo para sa mamamayan.


Matatandaang unang nakuha ng Isabela PPO ang nasabing titolo noong buwan lamang din ng Pebrero.

Facebook Comments