𝟭𝟭 𝗛𝗘𝗞𝗧𝗔𝗥𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗔𝗜𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City- Tinupok ng apoy ang hekta-hektaryang lupain sa Purok 7, Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Kagawad Daniel Acob, alas dos ng hapon nang magsimula ang sunog na agad namang nirespondehan ng mga otoridad.

Aniya, naka-apat na trak ng tubig ang mga bumbero bago maapula ang sunog kung saan idineklarang fire out ito alas dose ng hating gabi.


Gayunpaman, walang naitalang nasaktan o nasawi na alagang hayop o residente sa nangyaring grass fire.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa maaaring pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments