
Cauayan City – Natagpuang patay ang isang bottlenose dolphin at inanod sa dalampasigan ng Tibiao, Antique nitong Linggo, Pebrero 22, 2026.
Batay sa ulat ng ilang mga residente, agad nilang ipinaalam sa lokal na awtoridad ang insidente upang matukoy ang dahilan kung bakit napadpad ang dolphin sa dalampasigan.
Bagama’t sinabi ng mga marine experts na maraming posibleng dahilan ng pagkaka-stranded ng mga dolphin, kabilang ang sakit, pagbabago sa temperatura ng tubig, o natural na paglipat sa ibang lugar, nananatiling hindi malinaw ang eksaktong sanhi sa kasalukuyan.
Pinayuhan rin ang mga residente na huwag hawakan ang mga stranded na hayop at agad itong i-report sa kinauukulan upang maiwasan ang panganib sa parehong tao at hayop.
Matatagpuan ang Tibiao sa harap ng Cuyo East Pass, isa sa mga kilalang ruta ng migrasyon ng mga tuna at iba pang yamang-dagat, kabilang ang ilang species na itinuturing na vulnerable o endangered.
Chen Estaris Necesario
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










