𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗖𝗥𝗨𝗘𝗟𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗪𝗘𝗟𝗙𝗔𝗥𝗘

Kinondena ng Animal Kingdom Foundation ang walang awang pagpaslang sa golden retriever na si Killua kamakailan lamang.

Ayon kay Atty. Heidi Caguioa, President & Program Director ng nasabing samahan, malinaw na ipinagbabawal sa Republic Act no. 8485 o ang “Animal Welfare Law” ang pagpaslang sa anumang hayop na wala namang makatwiran na rason.

Maaari umanong humarap sa dalawang taong pagkakakulong at kabayaran na aabot sa P100,000 sa sino man lumabag sa batas.

Sa kasalukuyan, isinusulong na din ng Animal Kingdom Foundation ang batas na mas nagpapalakas sa RA 8485. Nais ng samahan na magkaroon ng bukod na opisina na tututok at magpapatupad ng batas para sa mga alagang hayop. Kabilang din dito ang emergency response para sa mga hayop at mapabilang sa evacuation program ng mga lokal na pamahalaan.

Nanawagan si Atty. Caguioa sa mga non-pet owners na respetuhin ang kalagayan ng mga hayop. Paalala niya naman sa pet owners na maging responsable sa mga alagang hayop.

Kaugnay nito, patuloy na isinasagawa ang malawakang veterinary health mission sa lalawigan ng Pangasinan. Isinasagawa ang iba-ibang veterinary services at anti-rabies campaign sa mga tinutungong bayan at lungsod ayon sa schedule na itinakda ng Provincial Veterinary Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments