𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪

Nananatili sa kasalukuyang presyo ang mga produktong karne sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Ang manok, naglalaro sa P180 ang kada kilo, nasa P340 naman ang per kilo ng lamang baboy habang ang liempo nito, nasa P360/kg.

Ayon sa mga vendors, sa ngayon ay wala pang nakikitang paggalaw sa presyo nito kasunod ng pagdaraos na Semana Santa simula ngayong linggo.

Inaasahan din ng mga ito na tutumal ang magiging bentahan ng mga karne alinsunod sa obserbasyon ng Mahal na Araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments