๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ, ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฅ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—ฅ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ

Kritikal ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan pa sa pagamutan ang apat na iba pa sa maging banggaan ng dalawang motor sa bayan ng Labrador.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Luis Ocampo at angkas nitong si Monchit Ocampo habang angkas naman sa kabilang motor sina Jayvee Tanguilig at angkas nitong si Princess Abellanosa at isang taong gulang na bata.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang aksidente pasado alas kwatro ng hapon sa Barangay Laois sa nasabing bayan nang huminto at liliko na sana ang motor nina Ocampo nang mahagip ito ng motor ni Tanguilig matapos mag-overtake sa mula sa kabilang linya.

Dahil dito ay tumilapon ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa ibaโ€™t ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ding malay si Abellanosa habang patuloy pa din inoobserbahan ang iba pa. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments