𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlo katao sa naganap na aksidente sa San Carlos City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Yvonne Diaz at Jonald Caguioa at angkas nitong si King Soriano.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang aksidente pasado alas siyete ng gabi sa Barangay Mamarlao kung saan ay sabay na nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang dalawa at aksidenteng nasagi ng motor ni Caguioa ang motor ni Diaz.

Dahil dito ay tumilapon ang tatlong sakay ng motor na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga ito.

Agad naman silang isinugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan hanggang ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments