
β
βCauayan City – Sumiklab ang serye ng karahasan sa Mexico kasunod ng pagkamatay ng kilalang drug lord na si Nemesio Oseguera Cervantes, o mas kilala bilang βEl Mencho.β
β
βDahil dito, nagpadala ang pamahalaan ng Mexico ng karagdagang puwersa ng militar upang mapiligilan ang kaguluhan sa kanilang lugar.
β
βAyon kay Defense Secretary Ricardo Trevilla, nadagdagan pa ng 2,500 tropa ang ipinadala sa kanlurang bahagi ng bansa, kayaβt umaabot na sa halos 9,500 sundalo ang naka-deploy mula nitong Linggo.
β
βNasawi si El Mencho matapos masugatan nang malubha sa engkuwentro sa pagitan ng kanyang mga bodyguard at mga sundalong nagsagawa ng operasyon sa estado ng Jalisco. Anim sa kanyang mga tauhan ang napatay sa operasyon, habang may tatlong sundalo ang nasugatan.
β
βKasunod ng balita ng kanyang pagkamatay, naghasik ng kaguluhan ang mga miyembro ng Jalisco New Generation Cartel (CJNG) sa mahigit 20 estado. Nagsagawa sila ng roadblock sa pamamagitan ng pagkalat ng pako sa kalsada at pagsusunog ng mga sasakyan, kabilang ang mga bus.
β
βPinuri naman ni Pangulong Claudia Sheinbaum ang matagumpay na operasyon ng militar at tiniyak na kontrolado ang sitwasyon.
β
βSinabi nitong patuloy ang koordinasyon ng pamahalaan at militar upang maibalik ang kapayapaan, habang nilinaw na walang direktang partisipasyon ang mga puwersa ng Estados Unidos sa naturang operasyon.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










