Thursday, June 4, 2026

‎𝗠𝗚𝗔 𝗨𝗡𝗗𝗢𝗖𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔


‎Cauayan City – Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng mga undocumented forest products sa isinagawang checkpoint ng pulisya sa Barangay Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.

‎Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines.

‎Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rey,” 40-anyos, at alyas “Cesar,” 41-anyos, kapwa residente ng Isabela at parehong magsasaka.

‎Sa ulat ng Diadi Municipal Police Station, pinahinto nila ang isang trak para sa regular na inspeksyon nang mapansin ang kargang mga kahoy na hinihinalang bahagi ng disassembled o knock-down furniture.

‎Hindi nakapagpakita ang dalawa ng kaukulang permit at transport documents para sa kanilang kargamento, dahilan upang sila ay arestuhin.

‎Aabot sa 700 board feet ang nakumpiskang kahoy na tinatayang nagkakahalaga ng ₱31,500.

‎Nakipag-ugnayan din ang pulisya sa MENRO Diadi para sa wastong beripikasyon at dokumentasyon ng mga ebidensya.

‎Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek, kasama ang sasakyan at mga nakumpiskang materyales, para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

‎Samantala, muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng forest products nang walang sapat na dokumento bilang bahagi ng kampanya laban sa illegal logging.

Source: NUEVA VIZCAYA PPO

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments