𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Mas tinututukan ngayon sa lungsod ng Dagupan partikular sa mga barangay island residents ang kanilang kaligtasan lalo na at kinakailangan pa ng mga ito ng tumawid sa ilog para makapunta o makapasok sa pupuntahan.

Alinsunod dito, nakipagpulong ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ni Mayor Fernandez sa pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) Pangasinan kasama ang Dagupan PCG at Sual PCG.

Tinalakay ng mga ito ang mga kaalamang nakapaloob sa naturang talakayin tulad na lamang ng pag-implementa ng pagkakaroon o pagsuot ng mga pasahero ng life jackets o vests bilang pagtugon sakaling maranasan ang hindi kanais-nais na insidente na dagat.

Kinakailangan din ang pag-install ng mga navigational lights sa mga pampasaherong bangka lalo na at ilang bahagi sa mga island barangays ay walang nakatayong pailaw.

Sa kasalukuyan, nananatili sa mga nakatakdang pasahe ang passenger fee at wala pang paggalaw dito simula pa noong ipatupad ang bagong fare minimum bunsod ng pandemya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments