𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗙𝗘𝗘𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗬𝗖𝗔𝗥𝗘 𝗣𝗨𝗣𝗜𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Patuloy na isinasagawa ang supplemental feeding programa para sa mga daycare pupils sa bayan ng Lingayen kung saan ipinamahagi ang ikalawang batch ng food supplies para sa naturang implementasyon.

Ilan pang Child Development Centers sa bayan ang pinuntahan ng Social Welfare and Development Regional Office at kawani ng Municipal Social Welfare and Development para ilunsad ang naturang programa nito lamang.

Prayoridad ng programang ito na mabigyan gn karagdagang probisyon ng masustansyang pagkain lalo na sa mga batang may edad tatlo hanggang apat na taong gulang na nag-aaral sa mga Child Development Centers.

Samantala, umaabot na sa tatlumput pitong mga Day Care centers sa bayan ang napuntahan ng napamahagian ng food supplies ng DSWD at ng MSWD. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments