Friday, February 20, 2026

β€Žπ—žπ—”π— π—”π—₯𝗔, π—£π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—ž π—”π—‘π—š π—žπ—’π—‘π—¦π—¨π—Ÿπ—§π—”π—¦π—¬π—’π—‘ 𝗦𝗔 π—”π—‘π—§π—œ-𝗗𝗬𝗑𝗔𝗦𝗧𝗬 π—•π—œπ—Ÿπ—Ÿ

β€Ž
β€ŽCauayan City – Nanawagan si Isabela House Speaker Faustino Dy III ng bukas at makataong konsultasyon kaugnay ng panukalang Anti-Political Dynasty Act habang sinimulan ng House of Representatives of the Philippines ang serye ng pagdinig sa iba’t ibang panig ng bansa.
β€Ž
β€ŽAng unang konsultasyon ay ginanap sa Carmona City sa pangunguna ni Zia Alonto Adiong, chair ng House Committee on Electoral Reforms.
β€Ž
β€ŽTinalakay rito ang House Bill No. 6771 na inihain ni Dy kasama si Ferdinand Alexander Marcos upang malinaw na tukuyin at limitahan ang political dynasties alinsunod sa Konstitusyon.
β€Ž
β€ŽAyon kay Dy, panahon na upang tugunan ang matagal nang panawagan laban sa political dynasty.
β€Ž
β€ŽIginiit nito na seryoso ang Kamara sa pagpasa ng makatarungan at makabuluhang panukala, ngunit dapat itong dumaan sa malawak na konsultasyon.
β€Ž
β€ŽSamantala, tiniyak din niyang isasaalang-alang ang mga opinyong makakalap bago ipagpatuloy ang deliberasyon sa komite.
β€Ž
β€ŽSource: Fautino “Bojie” Dy III/FB
β€ŽVIdeo credit to: House of Representatives of the Philippines/FB

Facebook Comments