𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗦𝗘 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗔𝗥𝗠𝗦, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗣𝗢

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Pangasinan Police Provincial Office sa paparating na eleksyon sa susunod na taon.

Mahigpit na tinutukan ngayon ng pulisya sa probinsiya ang kampanya kontra loose firearms o hindi lisensyadong baril.

Ayon kay PNP Provincial Director Police Col. Rollyfer Capoquian kadalasan na sangkot ang mga nagmamay-ari ng mga hindi lisensyadong armas sa iba’t ibang klase ng krimen.

Makatutulong rin ang patuloy na pagsulong ng kampanyan ito sa pag-iwas na magkaroon ng mga armadong grupo at mangangahas o magbabalak na gumawa ng mga krimen.

Hinihikayat ni Capoquian ang publiko na makipagtulungan upang mahuli ang mga nagmamay-ari ng mga hindi lisensyadong armas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments