Nag-ikot ang National Meat Inspection Service sa pamilihan ng Agoo, La Union upang siyasatin ang kalidad ng karne na ipinagbibili dito.
Ayon kay NMIS Supervising Meat Control Officer Dr. Roseller Manalo, kinakailangang tingnan ang kalinisan ng mga karneng inilalako kung ligtas para sa human consumption.
Ito ay naaayon sa RA 10536 o ang Meat Inspection Code of the Philippines na nagtatakda ng karampatang food standards at regulations ng mga meat products na binibili ng publiko.
Kaugnay nito, sumailalim sa pagsasanay ang mga meat inspectors sa La Union ukol sa analytical tests, physical, chemical at biological contaminants sa ibinebentang meat products sa mga pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments