Monday, November 9, 2026

𝗗𝗦π—ͺ𝗗 π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘ 𝟭, 𝗠𝗔𝗬 π—‘π—”π—žπ—”π—Ÿπ—”π—§π—”π—š π—‘π—š π—™π—”π— π—œπ—Ÿπ—¬ 𝗙𝗒𝗒𝗗 π—£π—”π—–π—žπ—¦ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π— π—”π—”π—”π—£π—˜π—žπ—§π—¨π—›π—”π—‘π—š π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ π—žπ—”π—¬ π—•π—”π—šπ—¬π—’π—‘π—š π—π—¨π—Ÿπ—œπ—”π—‘

Nakapreposisyon na ang mga Family Food Packs at Non-Food Items para sa posibleng augmentasyon ng mga lokal na pamahalaan sa buong Region I na maaapektuhan ng Bagyong Julian.

Ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD FO1, kabuuang 75, 084 FFPs habang 18, 364 naman na mga Non-Food Items ang nakahanda na.

Hanggang sa kasalukuyan, nasa 2, 253 na mga pamilya na mula sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ang naitalang apektado ng nararanasang bagyo.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga LGUS sa Rehiyon Uno para sa tamang pamamahagi ng tulong sa mga maaapektuhan pa ng sama ng panahon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments