
Cauayan City – Nakatakdang isagawa ng Local Government Unit of Cauayan City ang “Kasalang Bayan” sa lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ang Civil Registration Month.
Ang aktibidad ay isasagawa sa darating na ika-12 ng Pebrero 2026 sa F.L. Dy Coliseum, District 3, Cauayan City, Isabela.
Dahil dito, inaanyayahan ang mga nagnanais na magpakasal na makilahok sa naturang aktibidad.
Para sa mga sasali sa Kasalang Bayan, kailangan ang valid ID, birth certificate, CENOMAR, at parent’s consent o advice para sa mga edad 18 hanggang 24 taong gulang.
Itinakda ang deadline ng pagsusumite ng mga requirements sa ika- 28 ng Enero kaya naman hinihikayat ang publiko na makipag-ugnayan sa City Civil Registrar’s Office para sa karagdagang detalye at gabay.
Layunin ng aktibidad na mapadali ang civil registration at mapalakas ang kamalayan ng mamamayan sa kahalagahan ng wastong pagpaparehistro ng mahahalagang pangyayari sa buhay.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










