CAUAYAN CITY – Kulang na sa pantustos araw-araw ngunit patuloy pa rin na namamasada ang ilang tsuper ng jeep dito sa lungsod ng Cauayan.
Sa nakuhang impormasyon ng ifm news team mula sa mga jeepney operators sa isa sa mga terminal sa cauayan, mula nang unti-unti nang dumami ang modernized jeep ay mas bumaba na ang kanilang kita.
Sa katunayan, sa isang byahe ay P400 ang kanilang kinikita. Problemado pa ang mga ito sapagkat P500 ang minimum na kanilang inilalaan sa pagpapagasolina.
Aminado din ang mga ito na wala silang magagawa dahil karamihan umano sa mga komyuters ay mas gustong sumakay sa air conditioned na modernized jeep lalo at napaka-init ng panahon ngayon.
Upang kahit papaano ay makabawi sa isang araw ay mas inaagahan na lamang nila ang pamamasada at matiyagang naghihintay ng mga pasaherong nais sumakay sa kanilang tradisyunal na jeepneys.