𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡

Cauayan City – Nakatakdang simulan ang muling pagtanggap ng aplikasyon para sa Civil Service Professional and Sub-Professional Examination ngayong taon.

Sa inilabas na anunsyo ng Civil Service Commission Regional Office 2, magsisimula ang pagtanggap sa darating na Lunes, ika-13 ng Mayo.

Bagama’t isang buwan ang inilaang panahon sa pagsusumite ng aplikasyon para sa naturang eksaminasyon, posibleng kaagad rin itong isara oras na maabot na ang qouta ng mga kukuha ng pagsusulit.


Maaari namang magpasa ng aplikasyon Regional Office sa Tuguegarao, CSC Field Office sa Cagayan-Batanes; Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Samantala, magaganap naman ang Pen and Paper Examination sa August 11 kung saan ang mga test centers ay matatagpuan sa Tuguegarao City Cauayan City, Bayan ng Diffun at Bayombong.

Facebook Comments