Friday, February 6, 2026

𝗞𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗞𝗟𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗔𝗥𝗬 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗥𝗧𝗜𝗨𝗠

‎Cauayan City – Pinagtibay ng Cagayan Library Consortium (CLC) ang kooperasyon ng mga aklatan sa lalawigan matapos magsagawa ng pagpupulong para sa paghahanda ng mga programa at aktibidad sa 2026.

‎Dumalo ang 22 kinatawan mula sa iba’t ibang institusyon sa Cagayan at pinangunahan ang talakayan ni Michael Pinto, Provincial Librarian at pinuno ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC), kasama ang mga miyembro ng CLC.

‎Tinalakay ang pakikilahok ng CLC sa mga pangunahing programa ng CPLRC para sa 2026, kabilang ang librarians summit, online resources orientation, at patuloy na resource sharing.

‎Ayon kay Pinto, mahalaga ang kolaborasyon ng mga aklatan upang mapahusay ang serbisyong pang-impormasyon para sa mga Cagayano.

‎Ang pagpupulong ay naglalayong palakasin ang sama-samang pagkilos ng mga aklatan mula sa mga unibersidad, paaralan, at lokal na pamahalaan upang higit pang mapalawak ang akses ng publiko sa impormasyon at kaalaman.

‎photo credit: Cagayan Provincial Learning and Resource Center
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments