Muling kinansela, ngayong Biyernes, ang face-to-face classes ng K-12 students sa bayan ng Mangaldan, bunsod ng matataas na heat index na naitatala ng PAGASA.
Dahil dito, nasa ilalim pa rin ng umiiral na kautusan mula sa ibinabang Executive Order No. 2024-019 ng lokal na pamahalaan noong ika-3 ng Abril.
Samantala, pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan na ang mga pinuno ng paaralan ay mayroong kapangyarihan, base sa kanilang diskresyon at awtoridad ng DepEd Order No. 037 na ikansela ang klase. Paalala naman nito sa mga magulang at awtoridad ng paaralan na mahalaga ang makipag-ugnayan upang malaman kung anong mode of learning ang isasagawa.
Patuloy naman ang abiso ng lokal na pamahalaan sa mga residente ng ibayong pag-iingat dahil patuloy na naitatala ang mataas na heat index sa lalawigan, kasama ang bayan ng Mangaldan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨