𝟰𝟳℃ 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nasa 47℃ ang inabot at naitalang heat index o nararamdamang init ng katawan sa lungsod ng Dagupan City ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, maituturing na nasa danger category na ang naturang heat index na naitala sa lungsod.

Naranasan ang ganitong katas na heat index bandang alas dos ng hapon.

Hindi umano biro ang 47℃ na heat index at maaari na itong makapagdala ng iba’-ibang heat related illnesses lalo sa mga taong sensitibo sa mainit na panahon.

Patuloy na paalala ng PAGASA na ugaliing ang pag-inom ng tubig nang sa gayon ay maiwasan ang dehydration at iba pang sakit na maaaring makuha mula sa mainit na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments