Dinala ang βLab for Allβ (Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat) caravan ng pamahalaan sa lalawigan ng La Union nitong linggo ng Pebrero.
Sa datos nasa kabuuang anim na libong mga residente ang benepisyaryo mula sa mga bayan ng Bauang, Santo Tomas, Balaoan, Bacnotan at San Fernando City.
Ang proyekto, na naglalayong ilapit ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga tao sa pangunguna ni First Lady Liza Araneta-Marcos na aniya hindi lang pagbibigay ng serbisyo medikal ang dinala sa lugar maging ng iba pang mga serbisyo mula sa mga ahensyang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Trade and Industry, at ang Public Attorneyβs Office.
Namahagi din ang naturang karaban ng humigit-kumulang 45 na saklay (siko at bisig), 15 foldable walker, 50 wheelchair, 15 tungkod, 200 kits para sa mga buntis, food packs, at financial assistance na nagkakahalaga ng β±2,000 sa ibang residente.
Laking pasasalamat naman ng mga residente sa dalang tulong at libreng serbisyo na ito sa kanila. |πππ’π£ππ¬π¨