𝗗𝗢𝗛, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗦𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗢

Nagpaalala ang Kagawaran ng Kalusugan ukol sa pangangalaga ng puso ngayong Philippine Heart Month.

Ayon sa DOH, dapat na isaalang-alang ang pangangalaga nito lalo na’t maraming pilipino ang walang kamalayan ukol dito.

Hinihikayat ng kagawaran ang bawat isa na umiwas sa pagkain ng matataba maaalat na mga pagkain, pag-iwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo, pagkain ng gulay at mga prutas, at mag-ehersisyo.

Samantala, ipinapaalala rin nila sa bawat isa na dapat na kumunsulta sa pinakamalapit na primary care provider sa mga lugar upang maagapan o malaman ang mga dapat gawin sa pag-iwas sa sakit sa puso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments