Isang araw bago salubungin ang bagong taon, inaasahan na ang pagbigat ng lagay ng trapiko sa mga kakalsadahan sa lalawigan ng Pangasinan.
Kasabay ng exodus o pag-alis ng mga nagtatrabaho at magbakasyon mula Maynila at mga karatig lalawigan, ngayong weekend, nag-aabang at naghahanda na ang awtoridad sa posibleng pagdagsa ng mga tao, maging ng volume ng sasakyan na bibisita sa lalawigan.
Nitong kapaskuhan, mabigat na daloy ng trapiko ang naranasan sa ilang mga kalsada, dahil sa pagsikip ng mga linya nito kasabay ng iba’t-ibang road constructions na patuloy na ginagawa. Gayunpaman, ang Public Order and Safety Office (POSO) at ang hanay ng PNP ay nakaantabay upang masiguro ang kaayusan ng lagay trapiko.
Samantala, ayon naman sa mga bus terminal sa Dagupan City, sila ay handa na sa pag-uwi ng mga tao galing Maynila at karatig lalawigan. Kaya naman, gagawin nila, diumano, ang lahat ng kanilang makakaya, katuwang ang awtoridad, sa pagpapanatili ng seguridad ng mga byahero.
Ayon sa PNP, sila ay nakafull-alert status na simula pa noong sumapit ang holiday season. Dahil ito sa posibleng pagdagsa na mga taong uuwi gayundin ng mga bakasyonistang bibisita sa mga pangunahing tourist spots sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨