𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗦 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗟𝗨𝗠𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗡𝗔

Lumuwag na ngayong araw, December 29 ang mga bus terminals sa Dagupan City dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Bagamat hanggang ngayon ay mangilan-ngilan pa rin ang bumabyahe papunta at pabalik sa mga uuwian at pinanggagalingan ay hindi na ito singdagsa kumpara noong mga nakaraang araw.

Inaasahan naman ng mga bus drivers at konduktor na muling dadagsain ito bukas, December 30 hanggang umaga at hapon ng December 31 para sa mga nagbabalak pang bumyahe sa last hour upang maipagdiwang ang New Year Celebration.

Samantala, tiniyak ng mga bus companies na nasa maayos na kondisyon ang ibinabyaheng pampasaherong bus upang maiwasan ang anumang aberya at matiyak ang kaligtasan ng mga commuters. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments