
Cauayan City – Isang indibidwal ang nadakip ng kapulisan sa isang buy-bust operation na isinagawa noong Pebrero 4, 2026 bandang 4:20 ng hapon sa Purok 2A, Barangay San Isidro, City of Ilagan, Isabela.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Drug Enforcement Unit ng Ilagan City Police Station kasama ang PDEA at Regional Intelligence Unit 2.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Santino,” 46 taong gulang, walang hanapbuhay at residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 1.25 gramo at tinatayang halagang ₱8,500, pati na ang buy-bust money na binubuo ng isang ₱500 bill at apat na tig-₱1,000 bill.
Isinagawa ang marking at inventory ng ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga kinauukulan.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Samanatala, muling sinabi ni Police Colonel Manuel Bringas, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, na patuloy ang pinaigting na operasyon ng PNP laban sa iligal na droga.
Hinikayat din nito ang publiko na maging katuwang ng pulisya sa pagsugpo ng kriminalidad upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.
Source: PNP ISABELA
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










