๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ ๐—ก๐—” ๐—ž๐—จ๐—ž๐—จ๐—›๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฆ, ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ข๐——

Patay ang isang trenta y kwatro anyos na lalaki na mangunguha lang sana ng talangka sa ilog sa bayan ng San Nicolas.

Ang biktima ay nakilalang si Bryan Framil residente ng Barangay San Felipe East sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo ng ilog ang biktima kasama ang ilang mga kapitbahay upang manguha ng talangka.

Nang nasa ilog na ang mga ito ay bigla umano maisipan ng biktima na humiwalay sa mga kasamahan nito at nagtungo sa kabilang bahagi ng ilog.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita na lang ang Katawan nito na palutang lutang sa nasabing ilog dahilan upang ipagbigay alam sa awtoridad.

Agad naman naiahon ang Katawan nito na agad ding isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments